Thursday, May 29

Wag naman po sana..

Ok naman xa. Ayos kung baga.
Masaya kasama. Di tulad ko, moody. :[
Tawa lang nang tawa kahit daming problema.
Pinupuntahan ko kapag walang magawa dahil nanjan lang xa.
Wag naman sana siyang umalis..

Kahit na sabihin na walang kasiguraduhan kung hanggang kelan xa dito.
Dahil hindi naman talaga xa taga - dito. :]
Pero, sa sandaling panahon na siya'y nanatili,
napalapit na siya hindi lang sa akin, kundi sa amin.

Wag naman sanang..
Nang dahil sa may bagong dumating,
ikaw ang aalis.
Masakit iyon para sa iyo;
pero, andito kaming mga masasandalan mo.
Lalu pa't maraming umaasa sa iyo.
At masasabi kong, inaabuso ang kabaitan mo. :|

Ngayong wala pa talaga ang huling desisyon.
Hinihilin ko na sana,
ikaw ay manatili pa nang kahit kaunti pang panahon
upang maging mas malapit pa tayo.

Hindi ko inaasahan na magiging malapit tayo.
Pero ngayong gusto kita bilang kaibigan ko,
ba't ka pa lalayo?
Ngunit, gaya nang iyong sinabi,
dadalaw - dalaw ka naman dito sa amin.
Sana nga, 'wag mo kaming kalimutan.
Mga kaibigan mong handang tumulong sa iyo
sa oras na kami'y iyong kailangan.

Kung ano pa man, kaibigan ka namin at mahalaga ka na din sa amin.
Wag naman po sana siyang umalis nang ganoon kabilis.

~To whom it may concern. :]

No comments: